by: Elaine de Villa
I am married for 7 months now. I feel so blessed for I have found my husband. Wala na nga akong mahihiling pa sa Diyos sa pagbibigay niya sa akin ng taong tulad niya. We got married last September 28, 2002 after our 4 years of boyfriend-girlfriend relationship. Many said that our wedding is a perfect one. We are so happy that until now some people still remember how beautiful our wedding day was and how some of them wanted to ask for our help as they prepare for their wedding. We were engaged for about a year and we prepared for our wedding for a year too. May be, that made our wedding beautiful and organized.
At present, we already have our own house and lot. Kaya nga ang saya kasi kami lang talaga ng asawa ko ang magkasama sa bahay. Magkasabay at magkasama naming sinimulan ang lahat. Dito namin ipinagpapatuloy ang lahat ng aming mga pangarap at plano sa aming binubuong pamilya. Mabait ang asawa ko, maasikaso… He is really my angel… Siya ba yong tipo ng lalaking hindi mo na kailangan pang sabihin na tulungan ka… He helps me in household chores… basta lagi kaming magkatulong sa lahat ng gawain sa bahay. Mas lalo ko nga siyang minamahal. Sa pagdaan ng mga araw, mas lalo kong nakikita ang tunay na siya. Sobra na akong masuwerte for having him talaga in my life and I can’t thank God enough for this blessing.
We always have open communication. At night, before we sleep, we pray together, sometimes he leads the prayer, sometimes, i am the one who lead. We become more close lalo na ngayon na buntis na ako sa aming first baby!!! Sobrang sarap na pakiramdam na kasama ko siya sa maraming sandali ng aking paglilihi at hirap na pinagdadaanan dala ng aking pagbubuntis. Sabi ko nga, ano ba’ng kabutihan ang nagawa ko para bigyan ako ng Diyos ng taong katulad niya.
Pero alam nyo ba na may heartaches din ang aming love story? It happened before we got married; it was 2001! How can I ever forget that day???
He was still studying in one of the colleges in Manila and he was in his fourth year (college). That was Holy Week 2001…
He had his OJT in one of the big companies in Makati. Doon may nakilala siyang isang babae na nag-OJT din. Bagamat one week lang silang nagkasama, nagkaron sila ng communication that made them somehow get themselves know better. Hindi ko nga siguro nakita ang closeness na yon pero naramdaman ko na agad nang sabihin pa lang ng BF ko na sabay silang nag-lunch nong girl. Iba nga siguro ang babae kasi me intuition power tayo na wala ang mga lalaki. Iba na agad ang pakiramdam ko dahil doon. Pag-uwi nya ng weekend, magkasama kami dalawa ng tumawag ung girl sa celfone ng BF ko, though he didn’t answer the call. Wala lang daw yon. Lalo akong nagduda at napaiyak pa nga ako pero he made me believe that IT WAS REALLY NOTHING! Bagamat nagkagalit kaming dalawa, naayos pa rin yon. Pagbalik nya sa Manila, I received text messages from him na hindi naman para sa akin ang mga messages na yon. Alam ko, don pa lang na-sure ko na there’s something going between them. Tumawag ako sa kanya at sinabi ko na umuwi na sya kasi gusto ko syang makausap tungkol don. Pag-uwi naman nya, wala akong hininging paliwanag. Sabi kasi nya, wrong sent din daw yon, forward lang nya sa akin. Ewan ko rin kung bakit wala akong nagawa, hindi ko nagawang magalit sa kanya. It was Holy Week so he had to go home. (a neighboring town) The next morning, wala lang na nag text ako sa kanya. Sabi ko: Mahal mo pa ba ako?” Hindi nya sinagot ang text ko. Sinabi lang nya eh magkita daw kami. Don pa lang, alam ko na na “he’s falling with that girl he met.”
I will never ever forget that day! Wala syang nasabi kundi Sorry. Umiyak lang ako. Alam ko na agad. Sobrang sakit pala pag ganon. Pagtingin ko sa kanya, umiiyak din siya. He was blaming himself. Hindi daw nya yon ginusto. Ganon ba yon, pagkatapos ng 2 years naming pagsasama, basta na lang siya aalis, basta na lang hindi na nya ako mahal. Isinoli ko sa kanya yong engagement ring na bigay nya sa akin. (Masakit talaga kasi nga may mga plano na kami para magpakasal though matagal na matagal pa.) Sa tindi ng sakit na naramdaman ko lalo na ng tanggapin nya ang singsing na isinoli ko (umasa siguro ko na di nya yon tatanggapin), sinuntok ko sya. Di ko alam kung gaano yon kalakas. (malakas kasi talaga akong sumuntok palibhasa ako lang ang anak na babae).
Hindi ko rin alam kung bakit at paano nangyari. Umalis na ako kasi alam ko naman na wala talaga. He asked for his freedom. panahon para makapag-isip at para makasiguro sa kanyang nararamdaman. He even told me that he’s going to the girl’s place kasi may date sila. Kaya alam ko rin sa sarili ko na malabo na nga para magkabalikan pa kami lalo pa at pakiramdam ko naman na may gusto rin sa kanya yong babae. I was about to go home pero paglingon ko ay kasunod ko pa rin sya. Nagalit pa nga ako kasi nga wala na kami. Wala na syang pakialam sa akin. Pero di siya umalis. Dahil don, naisip ko na ganon pala, hindi ako pumayag na magkahiwalay kami kasi nga ayaw ko naman talaga eh. Hindi na nga siya nagkaron ng panahon para makapag-isip at makasiguro sa kanyang sarili. Basta lang ayoko at alam ko lang na I will not give up. hindi ako papayag na mawala sya sa akin. Sabi ko sa sarili ko, kakikilala pa lang nya sa babaeng yon, kami matagal na. Marami na kaming napagdaanan at kahit di ko narinig sa kanya na mahal pa nya ako. hindi ako umalis. Sa maniwala kayo at sa hindi, we spent the whole night of that unforgettable Good Friday sa kalye. Lakad lang kami ng lakad. I did not gave up kasi alam ko sa sarili ko na “I have found the one whom my soul loves and I would like to spend my whole life forever.” Sa buong magdamag na magkasama kami, nalaman ko sa kanya ang buong kwento. Masakit talaga. Di ko nagawang magalit sa kahit kanino. He returned the ring at sinabi nya sa akin na wag na wag ko na raw ibabalik yon sa kanya kahit kailan. Para sa akin lang daw talaga yon. Early morning, sinabi ko sa kanya na tawagan nya yong girl. Sya na ang makipag-usap. Wala naman kasing kasalanan yong girl.
Gumawa ako ng paraan para makilala yong babae. Nakausap ko sya through chatting. Nagpakilala ako sa kanya na bestfriend ako ng BF ko kaya alam ko ang buong pangyayari. Nalaman ko na isa siyang achiever, a consistent honor student since high school at running for magna cum laude sa isang kilalang university. She even joined beauty contests at nananalo pa nga siya. In short, maganda siya. Nalaman ko pa na we both came from the same school in high school. Nalaman ko rin na she was really actually falling in love with my BF. mahal na nga daw nya (naisip ko, buti di ako nag-give up. pero naisip ko rin. walang-wala pala ako sa kanya.) Baka nga dapat eh sila na lang ng BF ko. Pero nagpakilala rin ako sa kanya. Naging chatmate ko sya, eventually nagpapalitan kami ng e-mail tapos text mate ko na rin sya. Somehow, naging friends na rin kami. She’s a sweet person, me mga insecurities din pala.
There were times that I just cried. Parang nawalan na ako ng bilib sa aking sarili. Pakiramdam ko, masyado lang akong nagpilit kaya di kami nagkahiwalay ng BF ko. Hindi ko na makita sa sarili ko na siguro maganda rin naman ako. (parang pinaniwala ko lang talaga ang sarili ko na maganda nga ako) Marami ang nagsasabi na may dating naman daw talaga ang BF ko. Ang hirap ng naramdaman ko.
Pagkatapos ng mga nangyari, nag-usap kami, heart-to-heart talk ba, ng BF ko. Hiningi nya na magtiwala akong muli sa kanya. Na sana ay mahalin ko pa rin sya (di naman kasi nawala ang pagmamahal ko. nagkalamat lang siguro). Na sana ay makalimutan ko na ang nangyari, na sana ay bumalik na sa dati ang relationship namin. Alam ko sa sarili ko, nagtitiwala na ako sa kanya pero nasasaktan pa rin ako at natatakot. Sabi nya, wag na raw akong makipag-usap don sa girl para makalimutan ko na nga ng tuluyan. Sabi ko naman, gusto ko kaya kong harapin sya kung magkikita kami at gusto kong mapatunayan na wala na nga ang sakit ng loob na naramdaman ko.
That was very tough experience! That made us stronger I believe. Thankful pa nga ako kasi we realized so many things with what happened to us. Masaya na kami at hanggang ngayon, alam ko at naniniwala ako na ginusto talaga ito ng Diyos. And I thank Him always kasi siguro binulungan ako ng Diyos na “I had to fight for my love!”
i really consider myself so lucky and full of love and blessings. definitely, i am so sure of him really and di ko naman itataya ang aking kaligayahan for life kung di ako sure. I JUST KNOW THAT I HAVE FOUND THE SOUL WHOM MY SOUL LOVES… FOREVER… and i always thank God for that experience happened to us. i just realized that i really love him and that he loves me more than i love him… i can see it from all the things he had done and has been doing. he even become sweeter and so thoughtful. i can feel that love that i really treasure… so much. God is really soooo sooo good to me for he gave him to me. siguro nga, i’ll be forever regreting if i let him go and i gave up… He must have His own plans for us… That incident made us closer and stronger anyways and if it did not happen… there’ll be no more realizations on that side of our love story.
That is why i vowed to love and accept him, in good times or in bad, now and forever… the only way i know how… fully, truly, completely and unconditionally.