
06-26-2002, 12:49 PM
|
 |
Grabeh Baby
|
|
Join Date: Mar 2002
Location: missing in action
Posts: 4,672
|
|
this is beetleboy's previous post:
hindi ako pwedeng maging life guard kasi hindi ako marunong lumangoy! hehehehehe.
hmmm. correct me if i am wrong anabella f and li_syaoran but paulita gomez is the niece of doņa victorina de espadaņa. siya yung love interest ni isagani, na sobrang mahal ni isagani at halos mabaliw na siya rito. kaso ang pinakasalan ni paulita gomez eh ibang tao dahil sa paguudyok ni doņa victorina at simoun. sa huling piging eh ng dinala na ang nitro gliserina na lampara upang pasabugin ang mga matatas na opisyal eh nandun din si paulita gomez. dahil hindi matiis i isagani na mapatay si paulita gomez eh kinuha nya ang lampara at tinapon nya sa labas ng bintana kaya hindi natupad ang plano ni simoun. paulita gomez represents a person who would rather choose material weatlh and fame over true love.
and yes julia rizal presented various solutions in his novels concerning the cancer stricken society that we have. in noli me tangere he proposes that proper education is the key to a better future. kaya nga sa edukasyon centred mostly yung ibang pints ng noli. pero medyo patago. si pilosopo tasyo at si ibbara ang main persons who are pushing for education. they planned to build a school and everytime may scene si pilosopo tasyo eh he is proposing education as the key to the betterment of society. kaso he is saying it in a cryptic manner kaya ang iniisip sa aknya ng ibang tao eh baliw siya. si ibarra lang ang nakaintindi ng visions nya. sa el fili naman eh madugong rebulusyon ang gustong mangyari ni rizal kaso in the end alam niya na hindi rin iyon ang naaayong paraan. sinabi nya yun sa dulong kabanata ata habang kausap nya si padre florentino. (teka lang, hindi ko na matandaan kung saang scene kasi mga 4 yrs ago pa akong nag el fili.) i didn't like reading the el fili pero i liked one scene there. yung sa last part ng novel, ng habang nasa death bed si simoun eh naguusap sila tungkol sa injustices of society and why god was allowing such atrocity to happen. tapos sinabi ni padre florentino na "kailangan basagin o alugin ang sisidlan upang humalimuyak ang kanilang bango." pero it was stressed out that bloody revolution isn't the key, kasi it is wrong daw. ang further more in the last part eh sinabi rin sa el fili na nag kabataan daw ang pagasa ng bayan. ang pagkakatnda ko eh nagbigay ng mahabang speech dun tungkol sa mga kabataan.
teka nga, lumalalim uli yung discussion ng noli at fili natin. teka, siguro kailangan ko muna kunin yung libro uli! hehehe. alam kong ganito ang mangyayari kaya kukunin ko siya sa bookshelf ko! hehehehe. dati kasi sa ataol kasama ng ibang libro ko lang siya nilalagay eh pero ngayun eh nabalik siya sa book shlef status.
*****
this is my reaction:
tama naman si rizal in emphasizing education as the solution to the ills of the nation. problema nga lang ngayon eh hinde masyado nae-emphasize ang education dahil sa liit ng budget nito. walang makuhang magagaling na guro dahil mababa lang ang sweldo nila. although tumaas ng konti dahil sa salary standardization law. tapos eh na-filter ng konti dahil sa board exam ng mga teachers.
naniniwala din ako na hinde solusyon ang madugong pakikibaka dahil sa anumang gyera eh wala naman talagang nananalo. marami lang ang magbubuwis ng buhay at kadalasan ang mga taong namatay eh hinde din naman nila masyadong naiintindihan kung ano ba talaga ang pinaglalaban nila.
am still gonna go with education!
__________________
A spade is still a spade. Yellow is still yellow. Still, I won't tell you its green when in fact it's yellow!
I am responsible for my actions and will gladly accept whatever consequences that will come my way.
Do not let anybody manipulate you because once you allow it, you're good as dead!
|